Marka

Kapag ako’y wala na
Sana ay may malabing marka
Sa bawat hakbang sa lupa
Nawa’y langit ang tatak ng paa

Sa aking pag ka kristiano
Gawa ng Diyos at di tao
Makita ng lahat ng puso
Magsilbing sinag sa tungo

Sa aking mahal na bayan
Dasal ay biyayang walang hanggan
Sa pagbibigay ng sarili
Di malimot,mailibing ang pagsisilbi

Sa aking pamilya’t kaibigan
Mga oras ng tuwa at kabiguan
Sinilang sana ay buhay
Sa bawat bigkas at kampay

Walang lakas upang maiukit
Mahina at maliit aking tinig
O Diyos, basbasan mo ang nasa
Ngalan Mo sana, maiwang marka

2 Responses to this post.

  1. Posted by eric viray on August 26, 2008 at 1:08 am

    ABA at naging makata ka na pala! akala ko, kapangpangan ka, may hahi ka palang Bulakeneo.. In Fairness , Magaling, ipagpatuloy mo at suportahan da ka

    Reply

  2. Posted by ebcano on August 26, 2008 at 2:35 am

    Salamat po, Mang Eric!

    Reply

Respond to this post