Alis sa Wonderland

May lumbay sa aking paglisan
Nangakong di ka tatalikuran
Bagkus naglayag at lumipad
Ngayo’y sa malayo napadpad

Buhay na para sa bayan
Baka di na magampanan
Binili ng ginhawa
Sa di kayumangging lupa

Puso at isip di payapa
Bawat sandali, sa bawat diwa
Sa paghimlay hanggang sa pagmulat
Mukha mo nakaukit sa’king palad

Paglingkuran aking kakulay
Upang uhaw sa iyo’y manamlay
Buhay mo at wika isalaysay
Taas ang noo at may pugay

O Pilipinas, aking Wonderland
May mahika kang di mahawakan
May linis ka’t may dungis
Subalit nag-iisa, walang kaparis

Dinggin mo aking sambit
Nawa’y maghintay, manabik
Sa muli kong pagtapak, pagbalik
Yakapin kang buong higpit     

Advertisements

4 Comments

Filed under Pilipinas

4 responses to “Alis sa Wonderland

  1. Agnes P. Quito

    Wow, koya…kagaling na ning gewa mo…Good work, koya..God bless

    Sa inyong pagbabalik…magbubunyi tayo!! yehey!!

    We miss you, guys

  2. kite

    hayyh, wa pen koy..

    amimiss kung maglutu king dutung, karetang batubatu

    hikbi

  3. Michelle Ocampo

    Idol dka tlga brother ken pagiging makata mu 🙂

    Ingat kayu. Regards and God bless..

  4. fhey

    hello koya!!!

    this is a great work!!! ali ku a isip na makata ka pala until i read the comments….=) i’m looking forward sa inyong pagbabalik!!!

    God bless!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s