Ngalan

…as you stretch forth (your) hand to heal, and signs and wonders are done through the name of your holy servant Jesus. Acts 4:30

Salamat sa inyo, Peter at John.  Thank you sa inyong prayer.  Very honest to goodness ang inyong mataimtim na dasal.

Kung iisipin, ito ang mga unang araw na di na ninyo kasama si Jesus, physically. Ito ang mga araw na kayo-kayo na lang.  Ito ang mga araw na kayo na ang nagmamaneho sa misyon ni Lord. Gustung-gusto ko yung sinabi ninyo na sa ngalan lang ni Jesus nangyayari ang lahat ng pag-galing ng maysakit, ng mga tanda at ng mga milagro. Hindi ninyo inako ang glory. Hindi ninyo sinabi na; dahil sa lakas ng dating ni Peter o dahil sa gandang lalaki ni John. Hindi ninyo itinaas ang sariling bangko kung meron man. Sa prayer ninyo, hindi ninyo binigkas ang mga pangalan ninyo bagkus ang ngalan ni Jesus. Sinabi ninyo – through the name of Jesus…

Kasi kung sa akin siguro baka iba ang nangyari…

“Bakit wala ang name ng asawa ko dyan?!” ito ang tanong ng aking butihing misis ng mabasa niya ang isang commemorative book ng isang community kung saan kami ay nag-serve for several years.  Doon sa libro na yun, may paragraph kung saan inilahad yung kuwento ng grupo sa aming lungsod, kung paano nagsimula at lumago ang mission.  Eh dahil nga misis ko siya, sabi niya dapat daw ang name ko nasali doon sa isinulat  dahil daw may significant contribution ako kahit papaano.  Noong una, sabi ko may punto ang asawa ko. Marami rin naman akong nagawa. Marami rin naman akong naibigay. Marami rin naman akong napasaya.  Ngunit minsan inulit kong basahin ang libro ni Max Lucado na, “It’s Not About Me “. At doon binigyan ako ni Lord ng realization. Ibinalik niya ako sa purpose ng misyon ko, at iyon ay malaman, maalala at maitaas ang pangalan ni Jesus at hindi ang name ko. Hindi na baleng makalimutan ako, huwag lang si Lord. Hindi na baleng wala ako sa billing, huwag lang ang name ni Jesus. Dahil yun naman talaga ang importante.  Yung itaas ang ngalan niya at ibaba ang iyong sarili.

Korek ang dasal nila Peter at John.  It’s not through Peter’s name or John’s name. Hindi rin lumago at lumaganap ang mission sa ngalan ni Edwin Cano. Ang lahat ng healing, signs and wonders ay possible lamang sa pamamagitan ng ngalan ni Jesus.

Share

Advertisements

Leave a comment

Filed under Kristyanismo, Pamilya, Panginoon, Pilipinas

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s