Istorbo

As he was setting out on a journey, a man ran up, knelt down before him, and asked him, “Good teacher, what must I do to inherit eternal life?” Mark 10:17

Istorbo! Ito yung mga taong bigla na lang andyan sa harap habang ikaw ay papunta sa importanteng lakad mo.

Di ba nila alam na nag-prepare ka para sa lakad mo na ito tapos bigla silang insert para mag-interrupt ng iyong walk. Hay naku!!?

Di ba nila alam na ang iyong lakad marahil ay usapang buhay o kamatayan and then tadaah!, right in your face sila. Hello!!?

Di ba nila alam na pinili mo pa ang iyong isusuot sa loob ng maraming oras, labas masok ang mga damit sa loob ng cabinet mo, upang maging presentable ka tapos hayan sila asking for insignificant help. Ano sila hilo?!!

Di ba nila alam na one-year in the making itong lakad mo, winalis mo ang ibang appointments upang makapunta ka sa very, oo very very, important event na yun tapos parang breaking news sa TV lilitaw sila bigla. Okay sa all right, ano?!!

Gaya nitong man who ran up, knelt down before him, and asked him. Istorbo sa lakad ni Lord. May journey si Lord – to save our souls. Tapos bigla na lang siyang andyan sa harap niya na parang nag-popropose ng marriage.  Nagtatakbo, naglumuhod at nagtanong pa. Sarap tirisin, ano?

Pero hindi tiris ang ginawa ni Lord. He gave time and love ( v.21) for this man. He allowed him to be with Him. He answered his question. He expounded more and further. Hindi siya istorbo ke Jesus.

At hinde rin tayo istorbo sa Kanya. He is keeping the solar system and the universe in their orbits pero tumakbo ka sa Kanya. He is trying to balance the world economies pero lumuhod ka sa Kanya. He is healing someone now, he is saving souls now, he is forgiving someone now, he is busy now…pero magtanong ka sa Kanya. He will give you time and love.

O ano pang ginagawa mo, istorbohin mo na si Lord!

Share

Advertisements

Leave a comment

Filed under Kristyanismo, Pamilya, Panginoon, Pilipinas

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s